Monday, November 26, 2007

What Lies Ahead for Visit Visa Holder in Dubai?

More and more Filipinos opt to work abroad particularly in Dubai using visit visa. Recently, the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) issued an advisory about the risk of working using visit visa. Aspiring OFWs believe that using visit visa is the easiest and fastest way to work abroad. But what they don’t know is the risk that goes along with when they get there.

What really lies ahead for “tourist workers” holder in Dubai? What will happen when your visa was about to expire? Meanwhile, here’s a real story from a Filipina who wants to tell the burden of using visit visa.

Pag pumasok ka dito as visit visa, you will be allowed to stay in Dubai for only 58 days from your date of entry. So within 58 days dapat may trabaho ka, maari makakuha ka ng work within that period of time pero ang question will they process your employment and residence visa? This is the biggest problem here.

Ang processing ng employment visa will cost roughly Dhs8,000. Malaking pera para sa company, unless malaking company ang mapasukan mo for sure they will process your visa, eh paano kung hindi? Totoo na maraming mga company dito pero di lahat malaki at may pera. Kung mga small time business walang mangyayari sa visa mo, paaasahin ka lang, kunwari they will hire you tapos pag malapit na ma-expire na ang visit visa mo dun mo malalaman na di pala nila ito pina-process at kailangan mo um-exit papunta sa Kish. Tapos pagbalik mo sarado na pala yung company mo o di kaya may na-hire nang iba.

Ilan ng kasama ko sa bahay at kakilala ang ganon ang nangyari. Buti kung sasagutin ng company yung exit expenses mo eh kung hindi, which always happens. Kawawa ang magpupunta dito na visit visa ang gamit.

Naranasan ko ang um-exit papunta sa Kish, hidi agad na-process ng company ko ang employment visa ko. Pag nakarating ka sa Kish you will feel na para kang na-exile. Kish is an island in Iran, and you will be shocked dahil madaming Pinoy ang nandon, imagine lagi fully booked ang Kish airlines dahil sa dami ng Pinoy na pabalik-balik from Kish to Dubai and from Dubai to Kish.

Ang bayad don nun time na um-exit ako ay Dh35 per day, it’s a hotel they say pero hindi ito gaya ng mga hotel na iniisip mo. Wala kang trabaho na mapapasukan sa Kish, so talagang hindi ka mag-iisip na mag-stay sa lugar na iyon. Yung place na iyon ay ginawa para sa pag-exit ng mga paso na ang visa sa Dubai.


Depressing ang lugar na yon, may mga Pinoy don na na-stranded na. Pinabayaan na sila ng employer at ng kamag-anak o di kaya kakilala nila. Syempre kung wala ka rin lang pamilya dito sa Dubai sino ang gagastos sayo ng Dhs 1,000 for a new visit visa only.

May mga Pinoy akong na-meet don, wala na silang pera. Merong isa one month na siya don, tapos ang ginagawa niya para makakain siya naglilinis siya ng hotel. Tapos, meron din don wala na silang pagkain. Ang ginagawa nila hinihingi nila yung natitirang pagkain ng mga aalis ng mga Pinoy at babalik na sa Dubai. Ang advise nga sa’min, pag pupunta ka sa Kish at may pera ka naman, magdala ka na ng maraming pagkain at iwan mo na lng sa mga naandon na na-stranded na Pinoy.


Nong andon ako, around 700 Pinoy ang andun. Isang hotel lang yan, wala pa dyan un mga Pinoy na naka-check-in sa ibang hotels. Halos 90% ng andon mga Pinoy, konti lang ang ibang lahi. Sari-saring Pinoy ang nandun, may lolo, may lola, may mag-asawa na pareho ng andon, may binata, may payat na payat dahil wala ng pera at makain.

Tapos, ang masaklap pa pag one month ka na don, syempre wala ka ng pera pangbayad ng hotel, ang gagawin ng mga Pinoy don eh floating. Pag gabi lang sila matutulog sa hotel. Makikitulog lang sila, dapat patago yun dahil may nagra-round na gwardya. Mas nakakaawa daw dun yun mga Pinoy pag winter. Dahil di pwede na sa labas lang matutulog dahil sobra lamig.

Yan ang buhay ng pag-exit sa Kish, most likely pag pumasok ka sa Dubai as visit visa. Halos 90% ang possibility na e-exit ka. Plus, may bagong promulgation ang Dubai municipality dito with regards to processing of employment visa. Kailangan yun authenticated diploma mo at TOR na authenticated na sa Pilipinas ay ipapa-authenticate mo pa uli dito. At babayad ka ng Dhs500 and it will take two months bago matapos ang authentication. Pag natapos na yon, saka pa lang ipa-process ang employment visa mo. So kung dati eh isang exit ka lang bago maayos ang employment visa mo, sa bagong system dito eh magdadalawang exit ka.
No one will encourage someone na pumasok dito as visit visa kung ang purpose lang ng pagpunta niya dito magtrabaho, Kung magtuturista ka lang walang problema, pero kung hanap mo ay trabaho, it’s not advisable.

Ang mag-e-encourage sa’yo na pumunta dito eh yung mga ahenteng Pinoy na kababayan natin na ang negosyo eh pagbebenta ng visa. Ang daming ahente pinoy dito ang yumaman sa pagre-recruit ng mga inosente nating kababayan na mangungutang pa ng daang libo sa Pilipinas para lang makarating dito. Makonsensiya sana sila sa ginagawa nila. Buti kung pagdating ng taong ni-recruit nila dito eh tutulungan nila. Kaso pagdating mo dito dun mo malalaman na niloko ka lang pala at pinerahan.

Ang average na cost ng pagpunta dito ay Dhs2,500 with one way plane ticket, kapag iko-convert to peso roughly nasa 37,500.00, may tubo na sila don. Pag hiningan ka ng 85,000 tulad ng narinig ko sa iba, pineperahan ka na talaga. So the best thing is go thru recruitment agency, at pumasok ka dito gamit ang employment visa, protected ka ng POEA.


Added to that, tourist workers can only earn Dhs1,500, without transportation and accommodation allowance, which is actually insufficient to sustain your personal expenses for a month.

She came to Dubai on May 11, 2005, her sister followed her and arrived on the 29th of December, after few weeks, January 25, 2006 her husband also get there. Currently, she’s working as accounts assistants in a construction supply company. She was fortunate because her employer processed her employment visa.

(Her name was not mentioned for confidentiality purposes.)

This article was first published in www.ofwguide.com on June 3, 2006

No comments:

Blog Archive

Subscribe Now-RSS feed

Display this banner in your blog! Copy the code below and paste it in your editor

OFW,POEA


Followers