Sunday, March 1, 2009

How to identify an illegal recruiter?

Due to the global economic crisis, many Filipinos want to work overseas and others are also grabbing this chance to swindle jobseekers. Just for your attention here are some ways on how to distinguish fraud from real recruiters.

Kilalanin ang illegal recruiter!
Ang illegal recruiter ay:

  • agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo
  • nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa
  • nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata
  • nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbpa. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya
  • bahay-bahay kung mag-recruit ng mga aplikante
  • hndi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho
  • nagsasabi na may kausap na direct employer at ang mga aplikante ay di na kailangang dumaan sa POEA
  • nangangako ng mabilis na pag-alis ng aplikante gamit ang tourist o visit visa
  • walang maipakitang employment contract o working visa
  • nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID
  • nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center
  • nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis
  • walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address
  • nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-process (lalo na sa kaso ng EPS-Korea)
  • hihikayatin ka dahil nakapag-paalis na ng isa o higit pa gamit ay tourist visa

Avoid illegal recruiters!

Source: POEA

No comments:

Subscribe Now-RSS feed

Display this banner in your blog! Copy the code below and paste it in your editor

OFW,POEA


Followers