I want to share this post I've read in OFWGuide Forum, this is an advisory for Filipino workers who want to work in Malaysia. Please read...
Warning po sa mga OFW na gustong mag work sa malaysia, kung ang magiging broker nyo ay ang JUTA MAHAMEGA SDN BHD na nakabase sa Malaysia Island of penang, wag nyo na po ituloy apply nyo, kasi marami na pong reklamo ang agent na ito dito sa Malaysia, Sobra ang gulang ng management nito, bukod pa sa halos kalahati ang iooper sayong sweldo ng tunay na ibinigay ng kumpanya para sa worker. Marami silang mga binago sa kontratang pinirmahan na walang abiso, parang mga sardinas sa loob ng bahay ang mga tao, etc. kaya warning sa inyo lalo na sa mga taga CEBU kasi dun malimit na nakakakuha sila ng tao dahil na isisagad nila sa pinakamababang oper na higit sa kalahati ng tunay na sweldo. Warning lang ito nasa inyo pa rin ang desisyon , samalat po mga kabayan.
Actually AMAZCO ang dating pangalan ng AGENT na ito , pero nag-kaproblema sila dito sa malaysia dahil na rin sa mga reklamo then di sila nakakakuha ng tao kasi nga may problema agent nila nagpalit sila ng name na JUTA MAHAMEGA, ang dating agent na kontak nila sa pinas ay ang SERVIECON, pero sa pagkakaalam ko bumitaw na sa kanila ang SERVIECON dahil na din sa dami ng reklamo, ang owner nito dito sa malaysia ay si JULIE KHO at eto ang address nila dito sa malaysia : 11A-5-4, New Bob Place, Jalan Gottlieb, Georgetown 10350, pipitsugin lang ang agent na to yung mga reklamo natatakpan kasi malakas maglagay ang mayari nito,Isa ako sa nagoyo ng AGENT na to palibsaha firts time ko mag apply sa ibang bansa kaya eto inaantay ko na lng matapos kontrata ko dito di na me mag rerenew.Paala ala lang po mga kabayan.
No comments:
Post a Comment